SONA 2012: The Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III's SONA Speech

State of the Nation Address His Excellency Benigno S. Aquino III President of the Philippines To the Congress of the Philippines [Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City, on July 23, 2012] Maraming salamat po. Maupo po tayong lahat Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga kagalang-galang na miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga pinuno ng pamahalaang lokal; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa kong nagseserbisyo sa taumbayan; at siyempre sa akin pong mga boss, magandang hapon po. Ito po ang aking ikatlong SONA, at parang kailan lang nang nagsimula tayong mangarap. Parang kailan lang nang sabay-sabay tayon...