Agos ng Tubig- CAA Church MYSKY Group
Agos ng tubig sa batis ay lumalagaslas
Sa mga bato sa tabi ito'y humahampasBatis na walang tigil sa pag-agos
Na kung saan marami ang nabubuhay
Marami ring namamatay
Ang buhay ng mga tao dito sa mundo
Ay tulad ng isang batis
Umaagos nang kay bilis
Mahirap man kung iisipin
Ngunit kung iyong iibigin
Batis man sa agos mo
Kay tuwang namamasdan
Koro
Agos ng batis sa buhay ng tao
Tumatakbong sabay ito sa dagat
Na ang wakas ang tungo
Ang buhay mo sa Diyos nanggagaling
Sa Diyos mo rin itagubilin
Gamitin mong pagpapala
Sa buhay ng iyong kapwa
September 18, 2010
Adventist Youth Program by Music Ministry Department of CAA Seventh-day Adventist Church
Comments
Post a Comment