Click here to download the audio file of SONA 2010.
State of the Nation Address
of His Excellency
Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
to the Congress of the Philippines
Session Hall of the House of Representatives
July 26, 2010
[Batasan Pambansa Complex, Quezon City]
Speaker
Feliciano Belmonte; Senate President Juan Ponce Enrile; Vice President
Jejomar Binay; Chief Justice Renato Corona; Former Presidents Fidel
Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; members of the House of
Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic
corps; my fellow workers in government;
Mga minamahal kong kababayan:
Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.
Sa
isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang
pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang
pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito
po ang tuwid na daan.
Sa kabilang banda ay ang
pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na
konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang
baluktot na daan.
Matagal pong naligaw ang pamahalaan
sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng
problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking
responsibilidad.
Sa unang tatlong linggo ng aming
panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa
inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa
naming hakbang para lutasin ang mga ito.